General Information and other helpful jobs

Mga Chinese namigay ng libreng face mask at alcohol sa Maynila, Pasay at Makati


 Sa Lungsod ng Maynila,  dahil sa kakapusan ng face mask pangontra sa novel coronavirus, nagmagandang loob ang isang kumpanya ng Chinese at nagbigay ng libreng face mask at alcohol sa harapan ng Pasay City Hall, at maging sa Makati at Maynila.

     Ang mga Tsino ay naglatag ng lamesa sa tapat ng Pasay City Hall building sa may FB Harrison street na bawat pumipila ay binibigyan nang libreng face mask at alcohol.

Aabot sa 20,000 pirasong face mask at ilang daang bote ng alcohol ang kanilang naipamigay.
Habang ang iba din ay namigay sa mga naglalakad.

     Sa panayam ng PSN, ayon sa salaysay ng empleyado nang HK88 Restaurant, nagmabuting loob ang Tsino para sa karagdagang proteksyon laban sa nCoV na mula sa kanilang bansa.

      Ginawa nang mga Tsino ang naturang pamamahagi para sa mga nangangailangan at para sa karagdagang proteksyon.
Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive