General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Mass gathering and sitting around in Taipei Main Station is temporarily prohibited



Simula ngayong Sabado, Pebrero 29 hanggang Abril 30 ay ipinag-utos ng pamunuan ng Taiwan Railways Administration (TRA) na bawal lang muna ang umpukan at pagsalampak sa loob ng Taipei Main Station. Ito'y para maiwasan ang nakakahawang sakit na Corona Virus Disease.

Ngayon araw rin ng Sabado, 5 katao ang nagpositibo sa sakit at apat dito ay pawang nakasalamuha ng Indonesian Caregiver. Matatandaang ilang beses nagpabalik-balik ang pasyente sa mga estasyon ng MRT.

Ayon sa pamunuan, simula ngayong araw ng Sabado ay magkakaroon ng palagiang paglilinis sa paligid ng Taipei Main Station at magpapaskil ng mga paalala sa lahat ng pasahero.

Sa ngayon ay 39 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa Corona Virus Disease dito sa Taiwan.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive