General Information and other helpful jobs

Mga awtoridad sa Taiwan kinumpirma na isa sa 247 evacuees mula Wuhan ay positibo sa sakit na 2019-nCoV


Taipei - Nitong Martes (Feb. 4), ayon sa Taiwan report ang kanilang ika-11th kaso ng 2019 novel coronavirus ay nakumpirma na kabilang sa 247 nasyonals na lumikas sa Wuhan City, China nitong nakaraang araw.  

Sa pagsasalita sa isang press event ni Health and Welfare Minister Chen Shih-chung sinabi niya na ang balita ng isa pang kaso na nakumpirma ay hindi ganap na inaasahan. Ayon din sa kanya, ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya upang matulungan ang mga tao na makabalik sa kanilang mga normal na pamumuhay.

Ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC), ang kasalukuyang biktima ng virus ay isa sa tatlo na nagpapakita ng mga sintomas ng novel coronavirus ng ito ay dumating sa Taoyuan International Airport nitong Monday sakay ng China Eastern Airlines charter flight.

Ang isa ay nakitaan na mayroong lagnat, samantalang ang dalawa ay mayroong sore throats.

Ang tatlo ay mabilis na isinugod sa hospital isolation ward at ang iba naman na evacuees ay dinala sa quarantine at sa tatlong magkakahiwalay na mga pasilidad sa buong Taiwan.

Nitong Martes, ang isa sa tatlo ay nakumpirma na nahawaan ng 2019-nCoV virus na kung saan ito ang nakapagdala ng ika- 11 kaso ng virus sa bansang Taiwan. Samantalang ang dalawa nitong kasama ay negatibo sa naging resulta ng test para sa nasabing sakit. 

Sinabi ng CECC na ang lahat na nasa quarantined ay kukuhanan ng kanilang temperatura dalawang beses sa isang araw sa loob ng labing-apat na araw na quarantine period at kung sinoman sa kanila ang makitaan ng sintomas ng novel coronavirus ay kaagad na ipadadala ito sa hospital.

Ayon sa latest na bilang nitong Martes ng gabi, nasa mahigit 400 na katao na ang namamatay dahil sa coronavirus at mahigit 20,000 na ang nahawaan kasama ang karamihan na kaso na naganap sa China.


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive