General Information and other helpful jobs

Mga dayuhang mamamayan ng Taiwan na walang hawak na NHI cards hindi kabilang sa bagong sistema ng pagrarasyon ng mask


Taipei - Sinabi ng Health Ministry nitong Martes na kapag nagkabisa na ang bagong sistema ng pagrarasyon ng surgical mask ngayong Huwebes, lahat ng mga customers ay kailangan ng ipakita ang kanilang National Health Insurance (NHI) card sa mga drugstores at pharmacies para makabili ng masks ngunit ang plano na ito ay patuloy pa rin na tinatrabaho para sa mga dayuhan na wala pang hawak na NHI coverage.

Ang pahayag ng ministro ay dumating pagkatapos na inanunsyo ng pamahalaan nitong Lunes na ang isang bagong sistema ng pagrarasyon ng masks ay epektibong hindi kabilang ang nasa 50,000 na mga dayuhan na walang hawak na NHI card. 

Ayon kay Chang You-hsuan, isang opisyal sa Ministry of Health and Welfare (MOHW) na sa ilalim ng sistemang pagrarasyon ang mga Taiwanese at dayuhan na may NHI cards ay pinapayagan na bumili sa mga drugstores at pharmacies ng dalawang piraso na masks sa loob ng isang linggo.

Ayon kay Chang, sa darating na linggo kahit sino ay pwedeng makabili ng masks basta ipapakita lamang nila ang kanilang mga NHI cards. Sa ibang mga araw naman ng linggo ang mga masks na ibebenta ay nakabatay sa huling digit ng numero ng NHI card. Sabi niya pagdating ng Lunes, Miyerkules at Biyernes ang mga mask ng ipagbibili sa mga tao ay yung may mga ID numbers na nagtatapos sa mga odd digit samantala pagdating ng Martes, Huwebes at Sabado yung mga tao na even-digit ang huli ng numero ng kanilang NHI card.

Ayon sa awtoridad ang mga mask ay ibebenta sa 6,000 NHI na nakakontrata na mga pharmacies at drugstores simula ngayong Huwebes at ang presyo nito ay nasa NT$ 5 or US$ 0.16 bawat isa at ang mga NHI card ng mga buyers ay idadaan sa isang digitally scanning para sa mabilis na proseso.

Gayunman, ang inisyal na plano ng gobyerno ay hindi isinaalang-alang ang 50,000 na mga dayuhang mamamayan sa Taiwan sa kadahilanang hindi sila saklaw ng NHI coverage.

Ayon kay Chang, kasama dito ang mga mag-aaral at iba pang mga dayuhang nasyonalista na nasa Taiwan nang mas mababa sa anim na buwan;  ang mga migranteng manggagawa na hindi pa naaayos ang mandatory health check upang makuha ang kanilang Alien Resident Certification (ARCs);  Ang mga asawang Chinese at mag-aaral, na hindi karapat-dapat para sa saklaw ng NHI;  at ilang mga dayuhang diplomat na hindi nakapag-enrol sa sistema ng NHI.

Sinabi niya na ang pamahalaan ay nasa proseso ng paggawa ng ilang mga karagdagang regulasyon na maaaring payagan ang mga dayuhang nasyonalidad na ipakita ang kanilang mga ARC o pasaporte sa mga drugstores at pharmacies kung walang hawak na NHI card ang mga ito.

Ayon din kay Chang, gagawa ng anunsyo sa ibang pagkakataon ang Central Epidemic Command Center pagkatapos masimulan ang bagong sistema ng pagrarasyon simula sa darating na February 6.

Samantala, sa tanong ng iba kung bakit ang quota ng masks sa araw-araw ay nabawasan mula three per day ngayon ay naging two per week bawat tao, hindi pa makapagbigay ng malinaw na paliwanag ang gobyerno ang tanging sinasabi lamang nila ay kailangang magkaroon ng pantay ng pagpapamahagi sa ilalim ng bagong sistema.

Simula noong ika- 31 ng Enero, hinihiling ng gobyerno sa mga domestic manufacturers na gumawa ng 3.2 million surgical mask araw-araw, na may 1.7 milyong masks na ipagbibili sa mga mamimili at ang mga natitira ay ipadadala sa mga manggagawang medikal at sa mga taong kasama sa mga pagsisikap sa pag-iwas laban sa 2019 novel coronavirus na kumalat sa buong mundo mula sa China.


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive