General Information and other helpful jobs

Mga trabahong nakalaan para sa mga OFWs sa Hongkong posibling mawala dahil sa travel ban



Manila-Philippines ( February 6, 2020) - Ilan sa mga manggagawang pinoy ang nanawagan sa gobyerno na payagan sila na makaalis ng bansa papuntang Hongkong at Macau upang makapagtrabaho sa kabila ng travel ban dahil sa banta ng coronavirus.

Sa pahayag ni Eman Villanueva Chairman ng Bayan Hongkong at Macau, sinabi niya na dapat pahintulutan ng ating gobyerno na makalabas ng bansa ang mga OFWs o Pilipinong residente ng Hongkong at Macau at maging ang mga estudyante.

Ipinaliwanag rin niya noong nakapanayam siya ng DZMM na hindi naman sila aalis ng bansa para magbakasyon lang, aalis sila upang magtrabaho. Ayon sa kanya maaaring mawalan ng trabaho ang ibaeg OFWs dahil hindi na sila mahihintay pa ng kanilang employer at posibleng e-terminate na lang ang kanilang mga kontrata. At ang higit na maaapektohan nito ay ang mga pamilya ng ating mga OFWs.

Sang-ayon rin dito ang isang pinoy reporter sa Hongkong na si Michael Vincent. Sabi niya naiintindihanbnaman raw ng mga employer sa Hongkong ang naging dahilan ng Pilipinas upang magpatupad ng travel ban ngunit malaki raw ang posibilidad na mawalan ng trabaho ang maraming pinoy kapag hindi nakapaghintay ang kanilang mga employer hanggang sila ay makabalik.

Sa ngayon ay mayroon dalawang Pilipina sa Hongkong ang sumailalim na sa quarantine dahil sa pagkaexpose nila sa coronavirus. Ang mga to ay nagtratrabaho bilang domestic helper. 
Ang kauna-unahang Pinay na nahawaan ng kanyang dalawang employer matapos itong tumanggap ng bisita mula China sa Wuhan City. Ang pangalawang kato ay isa rin Pinay, sumailalim siya sa quarantine pagkatapos mamatay ang kanyang employer na nagpositibo sa coronavirus. 
Ayon kay Villanueva ang kagandahan ng dalawang kaso na ito ay hindi sila nakitaan ng mga sintomas ng coronavirus ngunit sa kabila nito kailangan parin silang sumailalim sa quarantine dahil sa protocol. 




Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive