General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Nakakagimbal ang tunay na datos ng mga namatay at nahawaan ng Wuhan coronavirus sa China inilabas ng Tencent


Ilan sa mga eksperto sinita ang China statistic sa maling ulat tungkol sa bilang ng datos ng mga namatay at pasyente ng Wuhan Coronavirus. Sa mga inilabas na datos ng Tencent ipinapakita nitong mas mataas ang naiulat na bilang ng mga namamatay at may inpeksyon sanhi ang nakakahawang virus.

Noong nakaraang Sabado (Peberero 1) naglabas ulat ang Tencent sa kanilang webpage na may pamagat na "Epidemic Situation Tracker", ipinapakita ng datos ng kaso tungkol sa novel coronavirus na may bilang na 154,023 na tinatayang mas mataas ng sampong ulit sa totoong bilang nito, at ang inihinalang kaso ay may bilang na 79,808 mas mataas ng apat na ulit sa opisyal na datos.

Sa ulat na nagamot ay may bilang na 269 , ngunit 300 na katao ang nasa opisyal na listahan. At ang bilang ng mga namatay 24,589 na sobrang taas at tatlong daan lamang ang opisyal.

Makalipas ang ilang sandali nag-update ng datos ang Tencent upang ipakita ang opisyal na bilang, ngunit napansin ng mga tao, na tatlog beses silang nag-ulat ng mas mataas na bilang kaayon ng statistic na naitala ng gobyerno.

Napansin din ng mga netizen ang mga datos na lumilitaw sa screen na sobrang taas kumpara sa opisyal. Pinapakita na may dalawang datos ang Tencent isang opisyal at ang mabilisang ulat ng datos.

Maraming haka-haka ang mga tao, iniisip nila na nagkamali lang sa encoding at ang iba naman ay iniisip na sinadya ito.

Ayon sa ulat hindi pa din tumpak ang ulat ng Beijing, dahil marami pa din sa mga pasyente ng coronavirus ang hindi makatanggap ng paggagamot namamatay sa labas ng hospital.

Dahil sa daming bilang ng mga kaso na nahawahan ng virus, kapos ang test kit na ginagamit upang masuri ang may inpeksyon na ng virus. Nagiging dahilan din ito na hindi maitala ng tama ang mga eksaktong bilang ng namamatay at nahawaan.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive