General Information and other helpful jobs

New Clark City will be the quarantine area for repatriated OFWs' from Hubei, China


Manila-Philippines (February 7, 2020) -Huwebes ng hapon, naglabas ng pahayag ang Department of Health na isasailalim ang mga repatriated Pinoy mula Hubei, China kung saan nagsimula ang coronavirus.

Ang 45 na Pinoy mula China isasailalim sa quarantine sa New Clark City dahil sa banta ng coronavirus

Ayon sa pahayag ng Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, nasa 45 na Pilipino ang gusto ng umuwi ng bansa. Dagdag pa niya ang mga ito ay sasailalim sa isa pang pagsusuri bago payagan makasakay pabalik ng bansa. Ito ay naaayon sa patakaran ng Chinese Health Commission.

Nakascheduled ng bumalik ng bansa ang 45 na Filipino mula China sa Sabado at darating ito sa Pilipinas Linggo ng umaga.

Ngunit ang nasabing araw ay hindi sigurado dahil kailangan pang silang sumunod sa patakaran ng China bago makauwi ng bansa ayon kay Dulay.

Kapag dumating na sa bansa ang 45 na Pinoy ay sasailalim sila sa screening ng Bureau of Quarantine.

Ang pasaherong makikitaan ng mga sintomas ng coronavirus ay agad dadalhin sa ospital upang doon ay gamutin at siya ay ituturing bilang persons under investigation.

Ang Center for Health Development ang magiging responsabli upang i-disinfect ang eroplanong sinakyan ng mga pinoy.

Ang Department of Foreign Affairs at ang Overseas Workers Welfare Administration ang mangangasiwa sa pag-uwi ng mga Pinoy sa bansa galing China pagkatapos nilang sumailalim sa quarantine.

Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive