General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Couples in Taiwan attempted to escaped from self quarantined fined NT$300,000


Taipei(Taiwan News)- Pinagmulta ng
City Health Department ng New Taipei City noong Biyernes(Pebrero 7), sa halagang NT$300,000 (US$10,000) ang mag-asawang, Taiwanese na lalaki at asawang babae na Chinese, dahil sa hindi pagsunod sa batas na ikailangang mag-self quarantine sa loob na 14 na araw sa kanilang tahanan.

Ayon sa Liberty Times, ang lalaking si Chiang kanyang apilyido, at ang kanyang asawa na kakarating lang sa Taiwan noong Pebrero 2 ,araw ng Linggo na kailangang mag-quarantine sa kanilang tahanan, dahil sa mabilis na pagkalat ng 2019nCoV. Ngunit hindi sila sumunod kundi lumipad sila patungo ng Kinmen Country noong Huwebes , Pebrero 6 bago nagtangkang bumalik patungong China sa pamamagitan ng bangka.

Ang mag-asawa ay hindi pinayagan bumiyahe ng Ferry papuntang China, at dahil doon nagsumiklab ang kanilang kalooban. At sinasabi nilang wala silang virus at walang alam tungkol sa quarantine rule.

Ayon kay Wu Jiun Huei, pinuno ng Kinmen Office of Centers of Disease Control(CDC), pinag-aaralan kung bakit nakasakay sa eroplano ang mag-asawa at nakarating sa Songshan Airport. Hinihilingan ang mga opisyales na maging mahigpit sa mga domestic travellers upang hindi na maulit ang ganung pangyayari.

Sinabi pa ni Wu, bagaman wala silang sintomas ng nakakahawang virus subalit lumabag sila sa batas na 14 araw na quarantine, at isinasapanganib pa ang publiko sa pamamagitang ng pagbibiyahe. Sa ngayon, sinusuri pa din ang lagay ng kalusugan ng mag-asawa, ayon sa CNA.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive