General Information and other helpful jobs

OFW seaman was shocked of his death certiticate in PSA



Manila-Philippines (February 9, 2020) - Nagulat ang seaman na si Benedick Malonzo ng makita niya ang kanyang death certificate sa PSA. Nalaman niya ito ng mag-aapply sana siya ng visa. Napag-alaman niya na 2016 pa pala siya patay. Ayon sa kanya ang dati niyang asawa ang may kagagawan nito sa kanya.

Inilapit ni Malonzo ang kanyang problema sa "Sumbungan ng Bayan" upang magpatulong sa kanyang sitwasyon. Ang kanyang tanong, kung papaano niya bubuhayin ang kanyang pagkatao sa mata ng batas?

Ayon sa kanya, matagal na silang hiwalay ng kanyang asawa at nagbibigay rin siya dito ng sustento kaya hindi niya lubos maisip kung bakit papatayin siya nito sa dokumento.

Sa sinabi ni Atty. Pen Cascolan, kapag raw may death certificate na ang isang tao ang ibig sabihin nito ay patay na siya sa mata ng batas. Kapag nag apply ng trabaho si Malonzo ay mgkakaroon siya ng problema kung magpapakilala siya bilang tao na nakarehistro sa isang death certificate sa PSA.

Sa ngayon ay naging palaisipan sa kanya kung papaano siya nagkaroon ng death certificate sa PSA. Ito ba ay totoo o peke lamang na death certificate ang naibigay sa PSA upang siya ay ikonsidera na isa ng patay na tao.

Ang sitwasyon ni Malonzo ay hindi magiging madali kahit na my paraan upang buhayin ang kanyang pagkatao sa mata ng batas at mapatunayan niya sa korte na siya ay buhay pa. Marami siyang pagdaraanan na proseso upang mapatunayan na siya ay buhay pa.




Source: GMA Network.com









Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive