General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

One of the missing Taiwanese under quarantine was nab in a hotel in Taoyuan


ctto: Focus Taiwan
Isa sa dalawang residente ng New Taipei ang natagpuan sa Taoyuan ngayong Miyerkules na dapat sana ay sumasailalim sa 14 days quarantine dahil ito ay nanggaling sa China at dumating ngayong buwan sa Taipei.

Ang nasabing residente ay kinilala na si Kou Fu-wen. Siya ay tumutuloy sa isang hotel sa New Taipei ito ay basi sa report ng mga police noong Martes matapos nitong mawala simula noong Pebrero 7 mula ng bumalik ito ng Taiwan na dumating sa Kinmen Island galing China.

Si Kou ay kinuha ng New Taipei health officials na nagsumite ng permiso sa Centers for Disease Control (CDC) para mailagay si Kou sa 14 days quarantine kahit na ito ay hindi nakitaan ng anumang sintomas ng coronavirus.

Ayon sa pahayag ng alkalde ng New Taipei na si Hou You-yi, si Kou ay nahaharap sa mabigat na multa dahil sa hindi niya pagsunod sa 14 days quarantine na protocol na ginagawa sa mga tao na nanggagaling China, Hongkong at Macau kung saan laganap ang coronavirus na unang nagsimula sa Wuhan China noong Disyembre ng nakaraang taon.

Dagdag pa ng alkalde, si Kou ay nagbigay ng maling address ng kanyang tinitirahan ganun rin maging ang kanyang contact number upang iwasang sumailalim sa quarantine simula ng dumating siya sa Kinmen County mula Fujian. Ayon sa kanya hindi nila mapapalampas ang mga taong gusto talagang umiwas sa mandatory home quarantine. Sinabi rin niya na mayroon 4,300 na residente ng New Taipei City na sumasailalim sa home quarantine upang masiguro ang kaligtasan sa coronavirus at ang inasal ni Kou ay hindi raw katanggap-tanggap sa Taiwanese Society.

Ang sino man na lumabag sa COVID-19 home quarantine o home isolation ay magbabayad ng multa mula NT$10,000-NT$150,000 (US$332-US$5,000) ayon ito sa CDC.

Sa ngayon ay kasalukuyang pinaghahanap pa ang isa pang residente ng New Taipei City na kinilala na si Kuan Yung-an matapos itong mawala simula ng dumating sa Kinmen mula Fujian noong Pebrero9.

Noong Martes ay mayroon ng 38 na residente ng New Taipei City ang nagbayad ng multa dahil sa paglabag ng home quarantine o home isolation. Ang apat sa kanila ay nagbayad ng NT$70,000 para sa pagbibigay ng maling impormasyon at ang isa naman ay nagmulta ng $60,000 para sa paglabag sa home quarantine o home isolation at ang natitira naman na 33 na residente ay pinagmulta ng NT$10,000 para sa hindi pag sunod sa home quarantine rules, ito ay ayon sa Taipei Department of Health tally.

Source: Focus Taiwan 


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive