General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Pagbabawal sa mga Chinese na makapasok sa bansang Taiwan ipinatupad na


Taipei, Taiwan-Dahil sa dumarami ang nahahawa sa nakakamatay na Wuhan coronavirus, ipinatupad na ng bansang Taiwan ang pansamantalng pagbabawal ng pagpasok ng mga Chinese simula ngayong araw (Pebrero 6,2020). Samantala ang mga manggagaling sa Hongkong at Macau ay mahigpit pa ding sasailalim sa 14 na araw na quarantine upang masuri ang mga kondisyon.

Sa pagpupulong ng Central Epidemic Command Center, inanunsyo na hindi na puwedeng makapasok ang mga Chinese sa Taiwan. kahapon araw ng Miyerkules (Pebrero 5), sinabi ni Minister of the Mainland Affairs Council Chen Ming-tong ang bagong pagpapatupad ng batas ay upang magbigay babala na hindi na puwedeng magpunta sa China.

Idinagdag pa niya, lahat ng mga Taiwanese na nanggaling sa China, Hongkong at Macau sa nakalipas na mahigit dalawang Linggo lahat ay kailangan manatili muna sa kanilang sariling tahanan sa loob ng 14 na araw pagdating ng Taiwan.

Bagamat, exempted ang Macau at Hongkong sa pagbabawal na makapasok sa Taiwan , kinakailangan pa din silang sumailalim sa dalawang linggo na pananatili sa bahay bago makisalamuha, mula pagdating sa Taiwan kasabay ng kanilang rehistro sa National Immigration Agency.

Simula rin ngayong araw ay kailangang dalhin ang National Health Insurance kapag bibili ng facemask sa mahigit 6,000 drugstore at pharmacies sa buong Taiwan, ito ayon sa kasunduan ng NHI.

Makakabili lamang ng dalawang pirasong mask ang isang tao sa loob ng 7 araw. Para naman sa mga dayuhan sinabi ng General Director ng Taiwan National Health Insurance Administration na si Lee Po-chang, na kailangan dalhin ang passport at ARC kapag bibili ng facemask.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive