General Information and other helpful jobs

PAL flights to Taiwan will resume this coming Feb. 21



Noong Biyernes ay naglabas ng pahayag ang Philippine Airline (PAL) pagkatapos bawiin ng Pilipinas ang travel ban nito sa Taiwan dahil sa petition letter ng mga Pinoy doon. Ayon sa kanila ay muling magkakaroon ng flights patungo sa Taiwan at pabalik ng Pilipinas na mag-uumpisa sa Pebrero 21, 2020. Ang flights na ito ay manggagaling sa Taipei Taoyuan International Airport.


PR 890: Manila-Taipei (departing Manila at 6:05 a.m.; arriving in Taipei at 8:30 a.m.)
PR 891: Taipei-Manila (departing Taipei at 9:30 a.m.; arriving in Manila at 11:40 a.m.)

Ang nabanggit sa taas na flights ng PAL ay available lang kapag Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo simula Pebrero 21-29, 2020. Subalit simula March 1 ay magiging available na ang mga nasabing flights araw-araw. 

Ayon sa PAL, simula March 29 magkakaroon na sila ng dalawang regular flights ito ay ang PR 890/891 and PR 894/895. 

Pinapayuhan ang mga pasahero na magkompirma sa PAL tungkol sa na kansela nilang biyahe at mag-rebook sa PR 890 and PR 891 flights.

Maaring makipagkomikasyon sa travel agent para sa rebooking o tumawag sa PAL sa numero na ito (+632) 8855-8888 kung ang kanilang ticket ay nabili sa site ng PAL o PAL Contact Center.

Para naman sa mga bumili ng ticket sa PAL ticket office ay pumunta lamang sa pinakamalapit na PAL office para sa rebooking. 

Para sa mga pasahero sa Taiwan pwede silang tumawag sa PAL Taipei Reservations sa numerong ito 02-2506-7255 or 8862-2506-7255.

Matatandaan na nagpatupad ng temporary travel ban ang Pilipinas kasunod ng paglaganap ng coronavirus sa iba't-ibang bansa.
Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive