General Information and other helpful jobs

Tinatayang 80,000 na tinapay ipinamahagi sa mga naapektuhan ng Bulkang Taal



    Isang napakagandang loob ang pamamahagi nang nutri-aid at mga tinapay na tinatayang aabot sa 80,000  na piraso ang ipinamigay sa iba't-ibang lugar ng Batangas partikular sa Cuenca na tinaguriang Home Of the Bakers matapos ang pagsabog ng Bulkang Taal.
   
      Tumanggap din ang Ibang bayan ng Batangas, tulad ng Balayan, San Luis, Malvar, San Nicholas at Alitagtag.

       Laking pasasalamat, ni Lucito"Chito" B. Chavez, na isa ding Batangueño, sa Philippines Association Flour Miller na nagbigay nang 100 sako ng harina na gagamitin sa paggawa nang nutri-aid at tinapay, isang  uri nang soft roll ng Tipayan sa Festival Bakeshoppe.

Sa tulong ng mga Volunteer ay nagpaabot sila nang mga tinapay sa  iba't-ibang bayan na biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

At pati ang San Miguel Mills ay nagdagdag din 30 pirasong sako, at nagpadala  din ang Liberty Bakery na pagmamay-ari ni Henri Ah ng 5,000 libong hamburger buns sa mga kalapit na panaderong Cuencaño.
Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive