General Information and other helpful jobs

Payo ng mga Eksperto bukod sa pagsusuot ng mask,mas mahalaga ang paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang Wuhan virus


Taipei, Taiwan-Ayon sa mga eksperto upang maiwasan ang Wuhan coronavirus, mas mahalaga ang palagiang paghuhugas ng kamay kaysa pagsusuot ng mask.

Ayon kay Dr. Ho Mei-shang  ng Democratic Progressive Party Central Standing Comittee, isang epidemiologist at Academia Sinica, idiniin niya na mas mahalagang maghugas palagi ng kamay kaysa magpanic, bumili ng mga mask ayon sa ulat ng Liberty Times.

Ipinaliwanag niya na upang maiwasan ang epidemya ng novel coronavirus ay ugaliin ang palagiang paghuhugas ng kamay. Sinabi pa ni Ho
"There is no need to rush out and grab mask now".

Hinihiling din ni Ho ang pagkakaroon ng maayos na serbisyo sa publiko at maayos na komunikasyon upang manatili ang tiwala. Si Ho, dati ring dumalo sa pagsugpo sa SARS sa Taiwan noong 2003, kaya sinasabi niyang ligtas pa din ang kalagayan ng Taiwan sa ngayon.

Ikinagulat niya ang pagpanic buying ng mask, sa kanyang salita sinabi pa niyang", ito ay hindi mapipigilang epidemic at patuloy ang pagkalat", kaya mas mahalaga ang paghuhugas ng kamay kaysa makipaglaban gamit ang mga mask. " Huwag dumipende sa mask", ayon kay Dr. Ho.

Naniniwala si Ho na magiging pandaigdigang pangangailangan lamang ang mga mask ngunit hindi makapagpapabagal ng pagkalat ng virus. Ang magagawa nang Taiwan ay magkaroon ng preparasyon sa mga kagamitan, gamot, bakuna, at pagkakaroon ng training ng mga taong inatasan sa paggagamot.

Ayon din kay Ho, dapat na baguhin ang paraan ng pag iisip ng mga tao
Isipin kung paano maiiwasan ang virus, paano makapagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan, at magbigay ng mask sa mga nangangailangan.'

Dagdag pa ni Ho , mahalagang ang gobyerno ang gumawa ng paraan upang maibalik ang tiwala ng tao at masubaybayan sila sa kanilang mga pangangailangan.

Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive