General Information and other helpful jobs

President Duterte blast water firms in the Philippines


  Sa pakikipag-usap ni Pangulong  Duterte sa Maynilad at Manila Water, tinalakay kung ibabalik ba sa mga mamamayan ang mga nakolektang pera mula noong 1997 para sa nilagdaang kasunduan ng mga tao.

   Nagpuyos sa galit si Pangulong Duterte dahil hanggang ngayon ang mga itatayong sewerage system ay hindi pa nagagawa.Ang pagkakaroon ng malinis na tubig at canal ay wala pa din hanggang sa ngayon.

“They're trying to reach out for a settlement. Let us see how it develops, Saan ang pera ng p___ ina na 'yan? Give us back the money. Give it back to the people and maybe we can talk about solving your problem. It will not be the problem of this government.” pahayag ni Pangulong Duterte.

   Inaasahan niya na maisasaayos ang mga nilagdaang kasunduan ng mga water supply upang masolusyunan ang matagal nang problema sa maruming tubig. Napamura tuloy ang Pangulo dahil sa pagtatakang saan napunta ang mga kinolektang pera sa mga tao.

Nais ng pangulo na ibalik ang pera ng tao at magawan ng paraan ang problema sa tubig, bago may umupong opisyal sa Malacañang.

   Noong nakaraang taon ng Agosto, pinagmulta ng Supreme Court sa halagang Php921 milyon ang  Maynilad  at Manila Water  dahil sa paglabag sa kasunduan na magkaroon ng malinis na tubig ang Maynila, alinsunod sa Clean Water Act.

  Nasa batas na kailangang magbigay ang dalawang kumpanya ng sewerage system upang magkaroon ng malinis na tubig sa loob ng limang taon basi sa nakasaad na kasunduan.

   Makalipas ang dalawang buwan, humiling ang dalawang malaking kumpanya na baligtarin ang kaso sa Supreme Court of Appeals at ng Department of Environment and Natural Resources.

  Sa kanilang apela sa korte sinabi nilang "impossible" dahil sa trapiko sa Maynila. Sinabi din nila na bigong nakipagtulungan ang  mga ahensya ng gobyerno upang ayusin ang lahat at ito ay nasa kanilang kasunduan kaya hindi maipatupad ang kanilang obligasyon.

   Idinidiin din ng Pangulo sa publiko, kung ang hindi pagsunod ng gobyerno sa kasunduan ay makakaapekto sa pagpapatupad sa mga water rate at mabayaran ang pagkalugi ng kumpanya.

  Hinihiling rin niya na pakinggan ang gobyerno na may kinalaman sa isyu upang hindi makasama sa mga mamimili.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive