General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

President Duterte signs a EO for the medicine price cap


Manila-Philipines (February 18, 2020) - Kahapon ay nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 104 na naglalayon bawasan ng 65 percent ang presyo ng mahigit 100 na gamot batay sa kasalukuyan nitong presyo na mabibili sa mga pharmacy.

Sa EO na ito ay kinikilala ang sobrang mahal na pagpapagamot sa mga may sakit sa bansa lalo na sa mga gamot na kailangan upang malunasan ang mga karamdaman. Dahil sa kamahalan ng presyo ng mga gamot napipilitan ang ibang tao na hindi na lang magpagamot at tiisin na lamang ang nararamdaman nitong sakit.Ito ay isa rin sa mga dahilan kung bakit naghihirap ang mga Pilipino at nalalagay sa panganib ang mga buhay ng tao. Ayon dito, malaking parti ang mga gamot sa gastosin ng bawat tao upang matugunan ang mga problema sa kalusugan.

Nakapaloob sa EO ang mahigit isang daang gamot na tinapyasan ang presyo ng 65% mula sa kasalukuyang presyo nito. Kabilang sa mga gamot na ito ay ang para sa antihypertensives, antidiabetic, anti-cancer, analgesics or painkillers at anticoagulants o blood thinners ang mga ito ay mabibili na sa murang halaga at aprobado rin ng Food and Drug Administration o FDA.

Ayon sa EO ang mga gamot na ito na mabibili sa mga pharmacy, ospital, manufacturer, health maintenance organization at iba pang tindahan ay kailangan magpatupad ng Maximum Retail Price (MRP) o sa madaling salita lahat ay kailangan sumunod sa MRP mapapublic o private man ito. Sa loob ng 6 na buwan mula ng ipinatupad ang EO ay magsasagawa ng inspeksyon ang Department of Health o DOH kung nasusunod nga ba ito.

Komunsulta rin ang DOH sa iba't- ibang ahensiya ng gobyerno kasama na rito ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Philippine Competition Commission. Pinag-aaralan din nila ang magiging epekto nito sa supply at demand pagkatapos maipatupad ang MRP.
Ang mga drugstores, hospitals, hospital pharmacies, manufacturers at maging ang mga wholesalers at distributors ay bibigyan ng 90 days para  e-dispose muna ang kanilang mga na unang stocks ng gamot sa mamimili bago tuluyan sumunod sa MRP. Ngunit pagkatapos ng 90 days ay kailangan na itong maipatupad regardless kung naubos o hindi ang kanilang mga stocks.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sinabi niya na ang paglagda ng pangulo sa EO ay bahagi ng Duterte administrations lasting  reforms upang masigurado na magiging maayos at komportabli ang buhay ng mga Pilipino.

Ayon rin sa pahayag ng Pangulo, ang komportabling buhay para mga mamamayang Pilipino ang priyoridad ng kanyang administrasyon.

Noong nakaraang buwan, nangako ang pangulong Duterte na pipirmahan niya ang EO ngayong buwan na ito na makakabuti para sa lahat ng Pilipino.

Noong nakaraang taon ay submit na ng proposal tungkol sa MRP ang DOH para sa mahigit isang daan na mga gamot para maging abot kaya ng mga Pilipino at hindi gaanong masakit sa bulsa. Lalo na ang gamot sa hypertension, cardiovascular disease (CVD) at cancers.

Subalit ang Pharmaceutical Healthcare Association of the Philippines (PHAP) ang kontra sa pagpapababa ng mga presyo ng gamot sa Pilipinas. Ito ay maari raw makaapekto sa mga maliliit na retailer at magiging daan upang mapilitan ang mga manufacturers na mag- iba ng plano sa paggawa ng makabagong mga medicina sa bansa. Ito ay ayon sa ulat ng Philippine News Agency.



Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive