General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Petition of Resignation for the mayor of Kaohsiung reached 500,000 signature



Ngayong Marso 1, 2020 ay umabot na sa 500,000 na lagda ang petisyon para patalsikin ang Mayor ng Kaohsiung sa Southern Taiwan.

Ayon sa pahayag sa Facebook Page ng founder ng WeCare Kaohsiung na si Aaron Yin, ang kanilang grupo ay nakalikom na ng 340,000 na lagda para sa pagpapatalsik sa mayor ng Kaohsiung at nadagdagan pa ito di umano ng 150,000 na lagda dahil sa Mowing actions ng mga tao. Ngayon ay mayroon na silang 500,000 na lagda. Dagdag pa ni Yin, ang campaign signature ay umabot na 500,000 higit pa sa inaasahan nilang bago kalagitnaan sa buwan ng Marso.

Ayon sa sulat ni Yin, sana marealize ni Mayor Han na oras na upang bumaba siya sa kanyang katungkulan. Dagdag pa ni Yin, kahit ang grupo nila ay nahaharap sa shortage fund at iba pang pangangailangan ay patuloy parin silang lalaban at makikipag-ugnayan sa mga mamamayan upang ipaglaban ang demokrasya sa kasaysayan ng Taiwan.


Upang tugunan ang mensahe ng grupo, ang Kaohsiung Press Secretary na si Cheng Chao-hsin ay naglabas ng pahayag. Ayon sa kanya ginagawa nila ang lahat upang maayos na mapatakbo ang syudad, ito ay ayon sa report ng ETtoday. Dagdag pa ni Cheng, hindi lang epedemic control ang mayroon sila, pinopromote din nila ang bilingual education, international talent development at agricultural product marketing.

Sinabi rin ni Cheng na tapos na ang eleksyon at ang sitwasyon naman sa coronavirus ay patuloy na nagbabago. Nagpapatuloy parin ang political battles kung saan gustong maagaw ng iba ang katungkolan at mga resources na mayroon sila ngunit ang pamahalaan ng Kaohsiung ay hindi umano nakikipaglaban sa mga mamamayan sa halip palagi silang handang tumulong at tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.

Source: TVBS
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive