General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

South Taiwan citizens must be on alert due nCov 2019 after cruise ship arrived in Kaohsiung



Naglabas ngayong Lunes ng pahayag ang Taiwan officials na maging alerto at mag-ingat ang mga taong bumisita sa Kaohsiung at Tainan noong Pebrero 4. Kailangang i-monitor nila ang kanilang mga kalusugan dahil sa banta ng coronavirus. 

Ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC) ang MS Westerdam ay dumaong sa Kaohsiung Port noong Pebrero 4 at nagtagal di umano ito ng dalawa at kalahating oras doon. Dahil dito may ilang mga pasahero ang bumisita sa mga pasyalan sa south Taiwan.

Dagdag pa ng CECC ang mga lugar ng Kenting sa Pingtung County, Port Proventia at ang No. 2 at ang No. 9 sa Kaohsiung Port. 

Sinabi rin ni Lin Li-jen ang director general ng Kaohsiung City Department of Health na pumunta rin ang mga tourista sa Kaohsiung Museum of Fine Arts at Anping Fort and Chimei Museum sa Tainan. 

Ang mga residente sa mga  binanggit lugar na naroon simula 7:30 am hanggang tanghali noong Pebrero 4 ay pinababantayan ang kanilang mga kalusugan. 

Pinayuhan din nila ang mga tao na maglagay ng mask sa lahat ng oras kung aalis sila ng bahay upang makaiwas sa coronavirus. 

Itinaas ang alerto pagkatapos na magpositibo ang isang babae na american citizen sa coronavirus pagkatapos na dumaong ang sinasakyan nitong barko sa Kaohsiung. 

Ang MS Westerdam ay may sakay na 1,455 na pasahero at 802 na crew members na nanggaling sa Hongkong. Ang nasabing barko ay tinanggihan ng iba't-ibang bansa upang makadaong sa kanilang mga port pagkatapos nitong makaalis sa Kaohsiung dahil sa pangamba sa banta ng coronavirus.

Noong nakaraang Linggo ay pinayagan narin sa wakas ang barko na dumaong sa Cambodia at dumating ito noong Pebrero 12 sa Sihanoukville Port. Pagkatapos nito bumiyahe naman ang ibang mga pasahero sa Malaysia. 

Hindi sinabi ng Taiwan officials kung ang 83 taong gulang na american citizen na nagpositibo sa coronavirus ay kasama sa 1,000 na pasahero na bumaba sa Taiwan ng dumaong ang barko sa Kaohsiung Port. 

Ngunit ngayong Lunes lang ng maglabas ng pahayag si  Mayor Huang Wei-che ng Tainan ayon sa kanya ay hindi raw kasali ang nasabing american citizen na babae na bumaba sa Tainan.

Sinabi rin ng Taiwan medical professionals na mayroon 38 na pasahero ng barko ang hindi nila pinayagang makababa pagkatapos nilang magkaroon ng abnormal na temperatura. 

Sa ngayon ay mayroon ng listahan ang Transportation Bureau na ibinigay sa kanila ng CECC na naglalaman ng pangalan ng 34 taxi drivers at 10 bus drivers na naghatid ng mga pasahero galing sa barko noong Pebrero 4. Sasailalim sila sa regular check up at self-health management.

Ayon sa head ng Transportation Bureau na si Yung-hsiang nakilala na rin nila ang nasa 117 na nakasalamuha ng mga pasahero sa barko at sasailalim sila sa self-health management upang makaiwas sa coronavirus ito ay ayon sa kanyang pahayag sa CNA.

Sinabi rin ng CECC na may dalawang Taiwan citizen na sakay ng MS Westerdam kung saan ay operated ito ng British/American-owned Holland America Line. 

Ang isa sa dalawang Taiwanese ay pumunta ng US sa habang ang isa naman ay babalik sa Taiwan sa Linggo at sasailalim sa quarantine ayon sa CECC. 


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive