General Information and other helpful jobs

Taiwan has confirmed 17th cases of infected by Wuhan virus as of today


Taipei(Taiwan News)- Panibagong bilang ng ncOv sa Taiwan nakumpirma ngayong araw ng Sabado Pebrero 8, at umabot na ito sa pang-17 na kaso sa isang lalaking Taiwanese na galing Hongkong at Italy.

Isang 20- anyos na lalaki galing Southern European Country at kasama ng kanyang pamilya noong Enero 22 at dumating noong Pebrero 1,na nagbiyahe mula sa Hongkong International Airport balikan.

Ang mag-asawa ay nagkaroon ng ubo noong Enero 26 at 28. Pagdating sa Taiwan ang asawang lalaki ay nagkaroon ng lagnat.

Agad silang pumunta sa klinik upang magpatingin, at napag-alamang may ubo ang lalaking ito at makalipas ang apat na araw napag-alamang may pneumonia na siya. Ngunit, ang babae ay hindi nagkaroon ng lagnat pagdating ng Taiwan.

Ayon sa Taiwan Center for Disease Control (CDC) ang lalaki ay mayroon nang grabeng ubo noong Enero 27,habang sila ay nasa biyahe sa Italy. Ngunit hindi siya nacheck kung nahawaan siya ng wuhan virus hanggang umabot ang Pebrero 7. At ngayong sabado nga Pebrero 8 siya ay nag positibo sa virus.

Sa kasalukuyan, 1,399 ang hinihinalang may virus at 17 katao na ang positibo. Ang unang naitala ay gumaling na noong Pebrero 6, at nakalabas na nang hospital.

Ngayong Sabado ng umaga, 724 na ang binawian ng buhay dahil sa virus at 34,869 na ang nahawaan,ito ang kabuuang report sa 28 na mga bansa.


Source: Taiwan News
Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive