General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan government will give financial subsidy to quarantine citizens and health workers



Gumawa ng special draft law ang gobyerno ng Taiwan upang mabigyan ng normal na sahod ang mga mamamayan na sasailalim sa home quarantined gayun rin ang mga health workers kung sakaling hindi sila babayaran ng kanilang mga employer.

Ayon sa spokeswoman ng Cabinet na si Kolas Yotaka ang mga detalye ng special bill na naglalayong matugunan ang kinakaharap na mga pagsubok sa ekonomiya ng bansa dahil sa coronavirus ay natapos na noong Huwebes Pebrero 20. Dagdag pa niya, kapag ito ay maaprobahan ng Legislative Yuan magiging  epektibo ito simula Enero 15 hanggang Hunyo 30 ayon sa report ng ETtoday.

Sinabi rin ni Kolas na gusto ng pamahalaan na mabigyan ng financial subsidies ang sasailalim sa quarantine gayon rin ang mga health workers na nagtratrabaho at naglalaan ng oras upang maiwasan ang paglaganap ng coronavirus. Ang special bill na ito ay makakatulong rin upang makabangin ang ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa ni Kolas, may total na 18 article sa draft na ayon sa kanya ay may budget na nagkakahalaga ng NT$60 billion o US$2 billion. Simula ng pamumuno ng Democratic Progressive Party (DPP) na humahawak sa majority ng Legislative Yuan. Ang bill ay inaasahang maaaprobahan sa kataposan ng buwan. 


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive