General Information and other helpful jobs

Taiwan has confirmed another 3 positive new cases of Wuhan coronavirus bringing a total of 16 infected




Taipei, Taiwan- Tatlong panibagong kaso ng Wuhan corovirus ang naitala kahapon, Pebrero 6, Huwebes, matapos maitala ang dalawang bagong kaso ng araw din na iyon.

Ang bagong kaso ng infected sa Wuhan coronavirus ay ang mag-asawang nasa edad na 50-taong gulang na parehong nahawaan ng virus ng bumiyaheng Hongkong galing ng Taiwan noong Enero 22, 2020 at pumunta ng Italy para magbakasyon kasama ang dalawa pang ibang miyembro ng pamilya ayon kay Minister Chen Shih-chung.

Pagkabalik nila noong Pebrero 1, ang mag-asawa ay nagkaroon ng nagkalagnat kaya't kinailangang masuri. Bagamat galing Hongkong, sa mga ginawang pagsusuri ang mag-asawa ay positibo sa nakakahawang sakit na novel coronavirus. Kaya sila ay kinailangang i-qurantine agad, ayon kay Chen.
Sa ngayon, ang dalawang kasama nilang miyembro ng pamilya ay wala namang sintomas na nakita ayon sa Central Epidemic Command Center(CECC).

Hinihinalang nakuha nila ang virus sa naging biyahe nila mula Hongkong hanggang Italy habang sila ay nasa loob ng iisang cabin dahil sa matagal na biyahe.

Ang pangatlong biktima ay isang babae na nasa dead 40 taong gulang, na nanggaling Macau noong holiday Enero 21-24 kasama ang tatlong Ibang miyembro ng pamilya. Dahil kinakitaan ng lagnat sintomas ng nCoV agad dinala sa hospital at nagsagawa ng pagsusuri noong Lunes.


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive