General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan increase its production targets to 4.6 million masks a day in two weeks


Dahil sa kakulangan pa rin ng supply ng face masks sa Taiwan.Mula sa normal na production na 3.2 million kada araw ng surgical facemask ay tataasan na ng hanggang 4.6 million sa loob ng dalawang Linggo, ito'y para punan ang lahat ng pasilidad sa Taiwan ayon kay Minister Sheng Jong-chin ng Economic Affairs.

Upang masugpo ang pagkalat ng Wuhan coronavirus, nakipagtulungan ang grupo ng military armed forces ng Taiwan upang madagdagan ang production ng mga face masks.

Sa ngayon, ang nagagawa lamang ay 3.2 million at inaasahan na tataas ito sa 3.9 million sa susunod na Linggo hanggang umabot ng 4.6 million.

Ayon pa sa Ministry of Economic Affairs (MOEA), nag-approved ng 60 production lines para makagawa ng karagdagang mask na tinatayang aabot sa 6 na milyong kada-araw.

Ang proyektong ito na 4.6 milyon ay maaari pang mapataas hanggang 10 milyong mask kada-araw sa susunod na buwan ng Marso.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive