General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan is the first country in Asia to use Bikers Google Map


Taipei - Ngayong Huwebes (Peb. 6), Inilunsad ng Google Map ang isang katangian na pag-navigate ng bisikleta sa bansang Taiwan na kung saan ang Taiwan ang kauna-unahang bansa sa Asya na magkakaroon ng access sa sinasabing serbisyo.

Ayon sa Google, ang bagong katangian na ito ang magbibigay ng optimize na ruta para sa mga mambibisekleta or cyclists na kung saan isinasaalang-alang ang mga linya at gradients para sa mga bike. Magagamit din ang bagong katangian na ito para sa mga computer at smartphone.

Ayon sa kumpanya na naglunsad ng serbisyong ito sinabi nito na pwede ring makita ng mga mambibisekleta ang isang dalubhasang bersyon ng Google Maps na kung saan ipinapakita dito ang daanan ng bike, ang kalye na may nakalaang paikot na daanan ng bike at ang kalsada na kung saan kayang maikot ng bisekleta ang buong Taiwan.

Sabi ni Cynthia Wei, isang program manager ng Asia Pacific Street View sa Google na dati ang mga mambibisekleta ay maaari lamang gumamit ng mga direksyon na para lamang sa mga kotse, motorsiklo at mga pedestrian na pwedeng humantong sa kanila na kumuha ng hindi tamang ruta para sa kanilang pagbibisekleta.

Sinabi ni Wie na ang bagong katangian na ito ay inaasahan para malutas ang isyu at problema sa pamamagitan ng pagbibigay ng informasyon para sa maginhawa at madaling ruta ng pagbibisekleta. Dagdag din niya na maaaring ring hikayatin ang marami pang mga Taiwanese na gumagamit ng Google Maps upang magtrabaho o para maglibang. 

Kasalukuyang inaalok ng Google Maps ang tampok na pag-navigate ng bike sa 27 na rehiyon sa buong mundo, sinabi ni Wei.

Sa kasalukuyan, inaalok ng Google Maps ang navigation feature ng bike sa 27 na rehiyon sa buong mundo, ayon ito ay Wei.




Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive