General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan is hopefully looking forward to self-produce cure of coronavirus


Taipei-Taiwan (Pebrero 21, 2020) - Noong Huwebes ay sinabi ng Taiwan's National Health Research Institutes (NHRI) na ang kanilang pag-aaral ay naging matagumpay at nakagawa sila ng small compounds ng remdesivir at ngayon ay pwede na silang makagawa kagaya ng American antiviral drug sa mga susunod na linggo.

Sa report nila kay Taiwan President Tsai Ing-wen, inilarawan ni Vice President Huey-Kang Sytwu ng NHRI na ang mga researcher ay nakagawa ng milligrams of remdesivir kung saan ang gamot na ito ay may magandang resulta sa mga pasyente ng coronavirus. Ayon sa kanya, siya ay umaasa na pwedeng e-upgrade ang trial sa gamot sa loob ng dalawang linggo na magbibigay sa Taiwan ng kakayahan upang makagawa ng sariling remdesivir sa lalong madaling panahon.

Pinuri ni President Tsai si Sytwu at ang kanyang team para sa major medical breakthrough na nagawa ng mga ito. Nang matanggap ni Tsai ang news galing sa Health and Welfare Minister Chen Shih-chung noong Huwebes ng umaga ay natuwa ito. Ayon sa report ng Liberty Times ang naturang trial ay nagpapatunay lamang na ang Taiwan ay pwedeng makagawa ng gamot na makapagsasalba sa maraming buhay.

Ang produkto ng American Biopharmaceutical company  Gilead Sciences na remdesivir ay ginamit sa pasyenteng may COVID-19 sa U. S. at ng magtagal ay nagpakita ng magandang development sa kanyang kondisyon. Bagamat wala pang katunayan sa ngayon na nakakatulong ang remdesivir sa mga pasyenting wala sa lab ngunit ayon sa pre-clinical testing nito sa mga hayop ang nasabing gamot ay epektibo sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome (MERS), at ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na may pagkakahawig sa coronavirus.


Source: Taiwan News



Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive