General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan ranked second in the world for masks production



Taipei-Taiwan (February 16, 2020) - Naglabas ngpahayag si Primier Su Tseng-chang, ayon sa kanya naging pangalawa na ang Tiawan sa may pinakamalaking produksyon mask sa kataposan ng unang buwan ng 2020 pagkatapos pumutok ang balita tungkol sa coronavirus outbreak.

Ang pahayag na ito ay nilabas pagkatapos niyang magsagawa ng inspeksyon sa mask manufacturing facilities at sa Nonwoven Converting Machinery Co sa New Taipei City.

Nagpasalamat din si Su sa ginawa ng Ministry of Economic Affairs dahil nakapagdagdag ang bansa ng 60 mask production lines sa kasalukuyang kapasidad na kayang gawin. Sabi ni Su dahil dito ay kaya na ng bansa gumawa ng 10 million mask sa araw-araw.
Ang 9 sa production lines nila ay nagbukas na.

Pinasalamatan rin niya ang kompanya at Taiwan Machine Tool and Accessory Builders’ Association para sa tulong nito na mapadami ang produksyon ng mask para makaiwas sa COVID-19 na nagsimula sa China. Nagpaabot rin siya ng pasasalamat sa mga pharmasya na nakikipag-ugnayan sa gobyerno tungkol sa polisiya sa pagbili ng mga mask at sa kanilang maayos na pamamalakad upang lahat ng bumibili ay mabigyan.

Ang isang mask ay mabibili lamang sa halagang NT$5 mas mura ito kumpara sa presyo ng ibang bansa ayon kay Su.

Nagpaplano rin sila kung magkakaroon ng shopping coupons na ipapamahagi sa mga tao under sa Executive Yuan program upang tumaas pa ang sales sa mask pagkatapos maging under control ang sitwasyon sa coronavirus. Ayon kay Su tatanungin niya si Executive Yuan Secretary-General Li Meng-yen and Minister Without Portfolio Kung Ming-hsin kung tataasan ang budget sa coupons o papalawakin lang ang sakop nito.

Halimbawa, ang nasabing coupons ay hindi lang sa mga merkado at tindihan pwede magamit maging sa
concert at exhibition venues kung saan ang kanilang mga negosyo ay naapektohan rin dahil sa coronavirus.

Ang Ministry of Economic Affairs ay nagproposed na ng NT$2 billion (US$66.6 million) na budget para sa coupons na ipapamahagi sa bawat tao at makakatanggap ng NT$100 hanggang NT$200 na discounts ang bawat isa.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive