General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taonang pagdiriwang ng Taipei International Comics and Animation Festival matumal dahil sa takot ng Wuhan coronavirus


Taon taon ipinagdiriwang ang Taipei International Comics and Animation Festival, ngunit kahapon (Tuesday) ito ay inihinto dahil sa pagdating ng kaunting mga bisita kumpara noong nakaraang taon habang ang Taiwan ay gumagawa ng paraan upang labanan ang pagkalat ng novel coronavirus.

Ayon sa sinabi ng Chinese Animation and Comic Publishers Association (CCPA) na si Roger Kao sa CNA, ang limang araw na palabas sa Comic Festival na idinaos sa Taipei World Trade Center Nangang Exhibition Hall ay pinuntahan ng nasa 401,000 na bilang ng mga bisita mas maliit ito kumpara sa mga bisitang dumalo noong 2019 na nasa 410,000.

Sinabi din ni Kao, na ang mga palabas na idinaos ay nasa ikawalong edition na at ngayong taon ito ay kumita ng halos NT$ 170,000 mas mababa sa kita noong nakaraang taon na NT$ 180,000.

Ang Comic Festival ay kilala bilang isa sa pinagkakaguluhang pila at maraming dumadalo na tao, ngunit binigyang diin ng mga organizers ang pag-iwas sa sakit na coronavirus na kung saan isa ang Taiwan na nakakaranas nito at naulat na mayroon ng kumpirmadong 11 na kaso ng impeksyon sa 2019-nCoV na nagmula sa China dalawang buwan na ang nakakalipas.

Ang pagdiriwang ng Komiks and Animation festival ay hindi katulad ng 2020 Taipei International Book Exhibition na ipinagpaliban hanggang Mayo. Ang nasabing Comic Festival ay pansamantalang isinara ngunit ito ay ipagpapatuloy pa rin buksan pero ang lahat ng mga bisita na dadalo ay kailangang suriin ang mga temperatura. Ang pasadong temperatura ay nasa 37.5 degree celsius. Kailangan ding disimpektahin ang kanilang mga kamay bago ito pumasok sa nasabing festival.

Ayon din kay Kao, hindi nila pangunahing pokus sa palabas ang kita at bilang ng dadalo mas importante sa kanila ang gawin ang makakaya para makaiwas sa sakit.  Sinabi rin niya na maraming mga magulang ang dinadala ang kanilang mga anak sa palabas tuwing walang pasok dahil nakikita ng mga ito na mayroon silang mahigpit na mekanismo para sa pag-iwas ng sakit.  

Sa kabila ng pagsiklab ng coronavirus na  kung saan idineklara na ito ng World Health Organization bilang global health emergency sa araw ng pagbubukas ng festival noong Friday, ang mga Taiwanese ay masaya pa rin tungkol sa comics and animation, nasabi ito ng isa sa mga singaporean costplayer na naimbitahan para magpakita sa exhibit na si Rithe. 

Ayon kay Rithe, ang passion ay naiiba dahil katulad ito ng isang malaking bahagi ng kanilang buhay. Aniya, ang mga tao sa Singapore ay tumatakbo pa sa mga booth para lamang makuha ang gusto nito, samantalang  sa Taiwan ay itinuturing ng mga bisita ang mga character na gaya ng isang bagay or isang asawa.

Nasa 500 stall spaces ang itinatampok ng 2020 Taipei International Comics and Animation Festival kabilang ang 65 exhibitors.






Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive