General Information and other helpful jobs

Taoyuan-Cebu flight launch via CAL will be delayed until June 12, 2020


Taipei-Taiwan (February 14, 2020) - Huwebes, nang maglabas ng pahayag ang pinakamalaking airline company sa Tiawan ng pagpapaliban sa pagbubukas ng biyahe mula Taoyuan patungo Cebu via China Airline (CAL) na nakabase sa Taiwan. Ang pagpapaliban ng pagbubukas ng flight ay hanggang June 12 dahil sa pagpapatupad ng pansamantalang ban sa mga Taiwanese na nagnanais bumisita sa Pilipinas.

Ayon sa CAL ang pagpapaliban ng flight mula Taoyuan to Cebu na dapat sana ay mag uumpisa ngayong March 29, 2020 ay upang matugunan ang coronavirus outbreak na unang nadiskubre noong Disyembre ng nakaraang taon kung saan ito ay nagsimula sa Wuhan China.


Dahil sa pagsuspendi ng mga flights ay mapipilitan silang magtapyas ng 10% sa sahod ng kanilang mga empleyado. Hinihikayat rin nila ang kanilang manggagawa na mag file ng annual leave at mag leave without pay upang matugonan ang nasabing problema.

Ang mga sumusunod na airline company ay hinikayat ang kanilang mga empleyado na mag file ng leave without pay. Ang mga airline na ito ay ang Hongkong Flagship Carrier, Cathay Pacific, South Korea's Asiana Airlines, China Hainan Airlines at ang China's Eastern Airlines.

Source: Focus Taiwan
Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive