General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

15 new cases of coronavirus was confirmed in Taiwan that raises a total of 298


Taipei-Taiwan (March 29, 2020) - Ngayong araw ng Linggo nakapagtala ng 15 na panibagong kaso ng coronavirus ang Taiwan at umabot na ito sa 298 ang lahat ng kompirmadong kaso ng virus sa boung bansa ayon sa Taiwan's Central Epidemic Command Center (CECC).

Naglabas ng pahayag ang Health Minister and CECC Head na si Chen Shih-chung na mayroon 15 panibagong kaso ng coronavirus sa bansa. Ito ay 9 na lalaki at 6 na babae. Ang 14 sa kaso ay mga imported cases at isa naman ang sa local infection.

Ang imported cases ay dumating sa Tiwan mula March 14 - 27 at nagpakita nman ng mga sintomas mula March 8 hangdang 25. Ang mga tinamaan ay mula teenager hanggang nasa edad 60. Bago paman dumating sa Taiwan sila ay may travel history sa U. K., Portugal, Spain, France, U. S., Turkey, Morocco, Switzerland, Tunisia, Indonesia at Pilipinas.

Ang domestic case no 289 ay asawa ni domestic case no. 293 na my travel history mula Spain papuntang Portugal noong March 7-16. Ang mag-asawa ay sumailalim sa home quarantine at nito lang araw ang nagpositibo sa covid ayon sa kanilang resulta.

Samantala ang domestic case no. 289 naman ay isang lalaki na may travel history mula Morocco kasama ang grupo mulaMarch 10-22.Nagsimulang magpakita siya ng mga sintomas noong March 23 bago pa sumailalim sa test at magpositibo sa virus.

Habang si case no. 290 at 291 ay isang mag-asawa na may travel history mula Indonesia noong March 10-14. Noong March 22 naman sila unang nakitaan ng mga sintomas at nagpositibo sila sa virus noong March 26.

Lahat ng mga nakasalamuha nila ay hinihinging sumailalim sa magself quarantine.



Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive