General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Tatlong prutas na dapat iwasan sa first trimester ng pagbubuntis


Ang pagbubuntis ay madaming dala na pagbabago tulad ng morning sickness at mabilis na pagbabago ng katawan. Bukod dito, malaki din ang nagiging pagbabago sa diet. Ang pagbubuntis ay nahahati sa tatlong parte ng trimester. Ang first trimester ang unang tatlong buwan sa pagbubuntis. Importante ang panahon na ito dahil sa pagtatapos ng first trimester, na develop na ang mga organ ng sanggol sa sinapupunan. Dahil ang fetus ay nagdedevelop pa lamang. Ang mga organ ay maaaring mapinsala kya dapat iwasan ang mga gamot, caffeine at mga toxic chemicals. Mag-ehersisyo ng regular, uminom ng maraming tubig at kumain ng tama.

Tatlong bawan na prutas sa buntis ay:
1.)Hilaw na papaya. Kilala ang papaya bilang natural na lunas sa indigestion. Subalit ang hilaw na papaya na prutas sa mga buntis dahil una sagana ito sa latex na nagpromote ng early uterine contraction na maaaring maging sanhi ng miscarriage. Pangalawa ang latex ay isang common allergen na maaaring maging dahilan ng hirap sa paghinga at anaphylaxis at nagpapalakas triger ng early labor.
*Ang hinog na pinya ay ligtas kainin ng buntis dahil nagtataglay ito ng potassium, fiber, cholene, folate, beta carotin at vitamin A,B,C.

2.)Grapes o ubas. Ito ay nagtataglay ng vitamin A&C na mainam sa buntis pero may dahilan kung bakit dapat itong iwasan sa first trimester ng pagbubuntis. Dahil ito ay nagtataglay ng:
*Resveratrol Toxicity. Ang balat ng ubas ay mayaman sa resveratrol na toxic sa mga buntis.
*Pesticides sa balat ng ubas. Ang ubas ay madalas ini-sprihan ng pesticides, hindi ito madaling matanggal Kaya maaaring magdulot ng komplikasyon sa fetus.
*Maaaring maging sanhi ng constipation ang ubas dahil hindi madaling matunaw o madigest ang balat nito.

3.)Pinya. Ang pinya ay nagtataglay ng bromelaine, isang enzyme na nagbebreak down ng protein. Isa sa mga side effects ng bromelaine ay ang paglambot ng cervix na maaaring maging dahilan ng early labor. Ayon sa pag-aaral ang bromelaine tablet ay maaaring mgdulot ng irregular bleeding. Subalit ang mga epektong ito ay mangyayari lamang kung ikaw ay kumain ng napakaraming pinya.

Ang mga prutas na ligtas kainin ng mga buntis:
*Abokado
*Saging
*Berries
*Mansanas
*Orange




Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive