General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

A Grandma break down after the relief ops skipped her

Ipanapatupad ang enhance community quarantine ngayon dahil sa corona virus na lumalaganap sa buong mundo, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng hanapbuhay. Ayon sa pahayag ng Pangulong Duterte ay magbibigay ang pamahalaan ng ayoda sa ating mga kababayan upang makatulong sa kanila.


Isang video ang umantig sa damdamin ng mga netizens ng may magpost sa social media tungkol sa isang lola sa San Jose Del Monte Bulacan ang napaiyak ng hindi siya binigyan ng relief sa kanilang barannggay dahil wala raw siyang stub. Ang relief lang ang inaasahan nila lola Ponyang sa panahong ito dahil wala naman silang trabaho. Napakalaking tulong sana sa kanila nito kaya't ganun na lamang ang pagdaramdam ni lola ng hindi siya binigyan.

Ayon sa anak ni lola Ponyang (ang lolang nasa video) hindi raw nagbibigay ang baranggay nila pagwalang stub na hawak.

Dahil sa naawa ang kanyang kapit bahay kaya ipinost niya ang naturang video sa facebook upang matulungan siya.

Matapos magviral ang naturang video, maraming netizens ang nagpaabot ng tulong sa matanda. Masaya si lola Ponyang sa mga biyayang natanggap at nagpasalamat sa mga kababayang may mga ginintu-ang puso.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive