General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

A China study found, People with type A blood are more prone to COVID-19



Sa ginawang pagsusuri ng mga researcher sa mga pasyente sa China na nadapuan ng sakit, naobserbahan ng mga ito na ang mga taong may blood type A ay mas mahina at madaling kapitan ng impeksyon ng novel coronavirus or COVID-19, samantalang ang mga taong may blood type O ay may mas mababang panganib at tila lumalaban sa nakakamatay na virus.



Ang mga Medical researchers sa China ay kumuha ng mga patterns ng grupo ng dugo sa mahigit 2000 na pasyente na na-infect ng virus sa Wuhan at Shenzhen at ikinumpara ang mga ito sa mga lokal na may malalakas na populasyon. Natuklasan nila dito na ang mga pasyente na may blood type A ay nagpapakita na may mataas na rate ng impeksyon at may posibilidad sila na magkaroon ng mas malubhang sintomas.

Sinabi ng mga researchers na ang pag-aaral na kanilang ginawa ay preliminary lamang at higit na kinakailangan ang trabaho. Ang gobyerno at ang mga medical facilities ay kanilang hinimok na isaalang-alang ang mga pagkakaiba-iba ng uri ng dugo kapag pinaplano ang mga hakbang sa pag-iwas o pagpapagamot sa mga pasyente na may virus, na kilala bilang Sars-CoV-2.

Source: Daily Mail UkFox News

Share:

2 comments:

  1. parang fake news, di nakasulat kung sino ang gumawa ng research at kung sino ang source nila

    ReplyDelete

Loading...

Blog Archive