General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

A Male in his 30's who traveled to Philippines is the 44th new case of Taiwan



CECC Taiwan naglabas ng bagong kaso ng nahawaan ng Corona Virus Disease. Ngayong gabi, araw ng Huwebes, Marso 5, 2020. Ayon sa ahensya, dalawang bagong kaso ang nadagdag sa listahan ng may Corona Virus sa Taiwan.

Ang ika-43 ay isang ginang na nasa edad 50 mula Northern Taiwan, na nahawaan naman ni "case 39."

Samantala ang ika-40 kaso naman ay isang lalaki na nasa edad 30 ang nakitaan ng sintomas matapos bumalik mula sa Pilipinas. Ayon sa report ng TVBS ang lalaki ay namasyal kasama ang isang kaibigan sa Pilipinas mula Pebrero 28 hanggang Marso 3. At pabalik nito ay nakaramdam panunuyo ng lalamunan at panghihina. Marso 3, ng kinunan ng sample ang pasyente at ngayong araw ay nagpositibo ang resulta.

Sa ngayon ay nasa 44 na ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng Corona Virus Disease sa Taiwan.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive