General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

A Pinoy in Taiwan to faced four years imprisonment due to Sexual Assault



Isang Pinoy ang hinatulan ng "Guilty" sa Taoyuan District Court sa kasong "Sexual Assault" sa isang Amerikana.

Ayon sa salaysay ng biktima, noong una ay nakipagkwentuhan muna ang suspek na katabi niya sa upuan na biyaheng Seattle papuntang Taoyuan, Taiwan. Subalit ng pinatay niya ang ilaw at makatulog ay doon na sinimulan ng suspek ang kanyang motibong kahalayan. At agad naman nagising ang biktima at isinumbong ang nangyari sa flight attendant.

Pero ayon sa suspek ay hindi daw pumalag ang biktima ng hawakan niya ito sa maseselang bahagi ng katawan. Nakilala ang suspek sa ngalang Kenneth at ngayon ay nahaharap siya sa kasong "Sexual Assault."

Kinatigan naman ng Taoyuan District Court ang kaso dahil sa resulta ng DNA test na nagpositibo ang "tissue swab" na nakuha mula sa hita ng biktima. Sa ngayon ay nahaharap sa apat na taong pagkabilanggo ang suspek at maaring lamang i-deport pagkatapos pagselbihan ang naturang hatol.



Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive