General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

A School in Northern Taiwan to be closed after 8 new cases of COVID-19 has been reported



Ngayong araw ng Huwebes, Marso 19, 2020. Nadagdagan ng bagong walong(8) kaso ng COVID-19 ang bansang Taiwan. Sa kabuuan ay nasa 108 na ang bilang ng nahawaan sa bansa. Ito'y ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC) ng Taiwan.

Ang pitong bagong kaso ay hinihinalang nakuha sa labas ng bansa samantala ang isa ay nakuha mula sa kanyang kaklase na bumiyahe sa labas ng bansa. At dahil umabot na sa dalawa ang kaso sa isang paaralan sa Northern Taiwan, pansamantalang isasara ang paaralan ng isang Linggo upang bigyan daan ang Disinfection at Self quarantine.

Kahapon ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 sa Taiwan na kung saan ay nagtala ang bansa ng 23 na kaso at karamihan dito ay bumiyahe sa labas ng bansa at isa ang "locally transmitted." Ayon kay CECC head and Health Minister Chen Shih-chung.

Sa kasalukuyan ay nasa 108 na ang kabuuang bilang ng nahawaan sa bansa, isa ang namatay at 22 na ang bilang ng mga gumaling.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive