General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

A woman returned from UK confirmed as 48th Wuhan virus case in Taiwan



Taipei - Nitong miyerkulis (March 11) Inanunsyo ng Taiwan's Central Epidemic Command Center (CECC) ang ika 48 na kaso ng Wuhan corona virus (COVID-19) sa Taiwan na isang babae na kagagaling lang ng UK.
Ayon sa pahayag ni Chen-Shih-cheng nitong Miyerkulis,na ang ika 48 na kumpirmadong kaso ay isang babae na nasa 30 taong gulang na tubong Northern Taiwan, na sinasabing nagbakasyon at bumisita sa kanyang mga kaibigan sa UK simula noong Feb.28 hanggang March 8.Pagkabalik ng Taiwan, siya ay nakitaan ng sintomas ng virus at matapos ngang magpasuri,siya ay nakumpirmang positibo sa nasabeng sakit.Ito ang sinasabing kauna unahang imported case ng COVID-19 na galing UK.Ito rin ang nagsilbi upang lalo pang pag ibayuhin ang pag-iingat at pagiging mapanuri.

Itinaas nadin ng Taiwan ang travel advisory sa iba pang European countries sa alert level-2 kasama dito ang Switzerland,Norway,Sweden,Belgium,Netherlands,Denmark at Australia at kasama nadin ang France,Germany at Spain na diniklara noong March 7.Idinagdag din ng CECC ang Bahrain at Kuwait sa listahan ng mga bansa na nasa alert level-2.Pinaalalahanan nadin ng CECC ang lahat na mga Taiwanese na bibisita sa mga lugar na ito, na mag ingat at sasailalim sa 14-day quarantine pagkabalik ng Taiwan.

Samantala,hinggil sa dalawang charter flights na nag -evacuate ng mga Taiwanese nationals na galing ng Wuhan nitong Martes ng gabe at Myerkulis ng umaga,ayon kay Chen hindi umano sumailalim sa pag susuri ang ibang mga pasahero nito at ang iba ay hindi na nagpakita pa.Sinabe pa niya,na merong isang lalaki na may lagnat ang hindi pinayagang makasakay sa nasabing charter plane.Ipinaabot pa ni Chen ang kanyang pag-aalala sa nasabing lalaki kung ito ba ay nadala sa ospital at nabigyan ng tamang pagsusuri.

Source:
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive