General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Arriving Migrant Workers to be picked up by Health Professionals and will be quarantine 14 days



Dahil sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo lalo na sa karatig bansa. At dahil maraming Foreign Workers ang bansang Taiwan, gumawa na ito ng hakbang upang paigtingin ang pagsupil sa COVID-19 sa pamamagitan ng pag-quarantine sa lahat ng Migrant Workers na pabalik ng Taiwan.

Ayon sa Taiwan Ministry of Labor (MOL), lahat na mga paparating na Migrant workers ay "mandatory" isasama ng mga "Medical Professionals" para sa "14 days quarantine."

hinikayat naman ni Vice Minister of Labor Lin San-kuei ang mga pribadong sektor na bigyan ng "Extension Contract" ang lahat ng mga kasalukuyang empleyado kaysa kumuha ng bago para maiwasan ang pagdami at pagkalat ng sakit.

Hinikayat rin ni San-kuei ang lahat ng pribadong sektor na maging responsable sa kanilang mga empleyado at ipatupad ang maayos at ligtas na lugar upang maiwasan ang sakit. Dagdag pa niya maglaan ang bawat pribadong sektor ng lugar para sa mga sasailalim sa quarantine period.

Sinabi pa ng kalihim na ang sinumang Foreign Workers na magpupumilit umuwi sa bansa nila sa gitna ng panganib na kinakaharap ay hindi makakabalik pang muli sa Taiwan. At dagdag pa ng kalihim na babayaran ng gobyerno ang anumang danyos hinggil pagkakansela ng flights dahil sa pinapairal na regulasyon.

Lahat ng mga Migrant Workers na manggagaling sa Indonesia, Vietnam, Thailand, at Pilipinas ay "automatic" ay sasailalim sa "14 days quarantine" at lalapag lamang sa Taoyuan International Airport at Kaohsiung International Airport. At sasamahan " escort na Medical Professionals" hanggang sa mga lugar na titirahan sa loob ng 14 na araw.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive