General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Benepisyo ng Pakwan sa ating kalusugan


Ang pakwan ay paboritong panghimagas at pantanggal uhaw. Pero hindi lang tubig ang maaaring ibigay, may taglay din itong vitamin at mineral na mabisang panlaban sa iba't-ibang sakit.

Ang mga benepisyo ng pakwan sa ating katawan ay:
*Mabuti sa sikmura at pagdumi
Ang pakwan ay nagtataglay ng fiber, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika' nagtitibi, kumain ng maraming pakwan.
*Gamot sa singaw at bad breath
Ayon sa eksperto, may tulong ang pakwan sa paggamot ng singaw at pagbawas sa mabahong hininga.
*Mabisang Enegy Drink
Ang pakwan ay sagana sa vitamin B, potassium, at iron. May natural ito na asukal na nagpapasigla ng ating katawan.
*Mabuti sa Puso at Ugat
Ang pakwan ay nagpapataas ng arginine isang amino acids sa ating katawan. Ang arginine ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelax ng ating mga ugat sa puso at utak. Dahil dito, makakatulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso.
*Nagpapagana sa sex
Ayon sa mga eksperto, baka may tulong ang pakwan sa pagpapalakas sa sex. Ito ay dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat ng ari ng lalaki. Ngunit hindi nga lang kasing bisa ang pakwan kumpara sa gamot.
*Pag-iwas sa kanser
Ang pulang klase na pakwan ay napakasustansiya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser.
*May taglay na alkaline water
Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa 92% alkaline water. Mabuti ang alkaline water sa ating sikmura at safe ito kahit sa may ulcer.

Kapag mainit ang panahon, pwede tayong mahilo at manghina ang katawan. Ang pakwan ay nagbibigay ng masustansiyang katas na nagpapalamig sa ating katawan.



Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive