General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Bird flu tests positive by DA in Jaen, Nueva Ecija





Sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Lunes, March 16, 2020, natuklasan na mayroong H5N6 avian influenza o bird flu sa barangay ng Jaen sa Nueva Ecija. Ang bird flu ay maaring makaapekto sa kalusugan ng tao.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na nagkolekta na ng mga samples sa farm ng Barangay Ulanin-Pitak. Sa ginawang test noong Biyernes, March 13, ang resulta ay nagpapakita ng positibo sa avian influenza.

Ayon din kay Dar, ito ay kalimitan sakit ng poultry na nakakaapekto sa tao pero sa ngayon ay wala pa naman naitala na naapektuhang tao sa bansa. Nasabi din nya na sa China ay nagkaroon na ng kaso ng impeksyon ng tao dahil sa bird flu.

Ayon din kay Dar, ang DA ay nagpataw ng 1-7 protocol kung saan ang 1-kilometer radius ay magiging control zone, at ang 7-kilometer radius ay oobserbahan ang mga lugar.



Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive