General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

BREAKING: Vice-mayor of Jala-Jala, Rizal dies due to COVID-19



Kapapasok lang na balita, Ngayong Martes ng gabi, Marso 31, 2020, pumanaw na ang vice mayor ng Jala-Jala, Rizal ilang araw matapos makumpirmang positibo siya sa COVID-19. Ito'y kinumpirma mismo ng anak ng vice-mayor.

Si Vice Mayor Jolet Delos Santos ay nagpositibo noong nakaraang Huwebes, Marso 26. Ayon sa kanya ay nagkaroon siya ng mga sintomas ng sakit matapos dumalo sa pagtitipon ng Philippine Councilors League.

"Napakasakit po sa aming buong pamilya ang biglaang pagkawala ng Ama ng ating bayan," base sa post sa Facebook ng anak niyang si Jom.

Sa ngayon ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas ay nasa 2,084 at 88 na ang naitatalang namamatay at 49 na ang gumaling.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive