General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

CECC Taiwan confirmed its 42nd case of Corona Virus Disease



Ngayong araw ng Martes, Marso 3, 2020. Ang CECC Taiwan ay muling naglabas ng bagong ulat hinggil sa kalagayan ng Corona Virus Disease sa bansa. Ngayong araw ay nadagdagan ng isa ang bilang ng nahawaan sa bansa. Kaya pumalo na 42 ang kabuuang bilang ng nahawaan sa Taiwan.

Ang bagong kaso ay asawa ng ika-34 sa bilang ng nagkakaroon ng Corona Virus Disease. Ayon kay Health Minister Chen Shih-chung, ang bagong pasyente ay dating nagbabantay sa asawa niya mula Pebrero 17-24. Subalit noong Pebrero 23 ay nakitaan ng mga sintomas ang pasyente kaya noong Marso 1 ay sumailalim siya sa quarantine at kinunan ng sample at nitong araw ay nagpositibo.

Ayon sa CECC, ang bagong pasyente ay pang pito na kaso ng isang ospital sa Northern Taiwan. Nauna rito ang isang Janitor ng ospital, tatlong nurse, ika 34 na pasyente at anak nito na naging 41 sa listahan at ang bago na ika-42.

Umabot sa 295 katao ang nakasalamuha ng ika-34 pasyente at anim rito ay nagpositibo sa Corona Virus Disease. Samantala 206 ang nag-negatibo at ang iba naman ay inaantay pa ang resulta.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive