General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Coronavirus disease resulted to job loss for some Filipino in Hong Kong



Manila- Tinatayang nasa 35 na mga Filipino domestic workers sa Hong Kong ang nawalan ng trabaho ayon sa OWWA kaalinsunod ng pagtaas ng kaso ng coronavirus na galing  China.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac,sa 35 na Filipino workers,16 sa kanila ay tinapos na ng kanilang mga employer ang kanilang mga kontrata.Sa takot ng kanilang mga employer sa nasabeng virus, tuluyan na silang bumitiw sa Chinese special administrative region o ang batas na naglalayon na pwede pang mag stay ang mga pilipino sa Hong Kong hanggang sa makahanap sila ng panibagong employer na mairerekomenda nila.

Ayon parin kay Mr.Cacdac sa isang panayam niya sa DZMM nitong myerkules, ang iba pang 12 pilipinong domestic workers ay nawalan din ng trabaho matapos magkaroon ng alitan sa pagitan ng mga empleyado at ng kanilang mga employer, itoy matapos na pagbawalan silang lumabas ng bahay  sa kanilang day-off upang hindi mahawa ng virus.

Nakikipag coordinate na ang kinatawan ng Pilipinas sa Hong Kong sa nasabeng pangyayari.Sinusubukan nadin ng mga awtoridad na mapauwi ang nasa 48 na Filipino sa China's special region sa Macau at aabot sa 15 to 20 OFW's sa mainland China na nais ng umuwi ayon parin kay Cacdac.

Tinatayang aabot nasa 90,000 katao ang nahawa na sa virus at 3,100 narin ang namatay sa China Central Province ng Hubei noong nakaraang taon.Dahil dito pansamantalang ipinatupad ng Pilipinas ang travel ban sa China,Hong Kong at Macau dahil sa tumataas na bilang ng mga apektado ng nasabeng virus.

Source:
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive