General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Coronavirus outbreak describes as pandemic-WHO



Geneva- Ayon kay Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus ng World Health Organization noong Miyerkoles,na ang pagsiklab nitong coronavirus ay maituturing na isang kaso ng pandemic.

Sinabi pa niya sa isang kumpirinsya,na labis ang kanilang pag-aalala sa napakalawak na sakop at nakakabahalang bilis na pagkalat nito kaya itoy tinawag na "pandemic".Itong virus ay nagsimula sa China noong December at kumalat na sa buong mundo upang maging dahilan ng pansamantalang pagsasara ng mga istablisyimento at pagkansela ng mga events.

Diniklara ng WHO noong Jan.30 na public health emergency of international concern o ang napakataas na alarma noong nasa 100 na kaso palang ang COVID-19 sa labas ng China, at 8 na kaso naman ng human to human transmission itong sakit na ito.

Sa ngayon meron ng humigit kumulang sa 118,000 na kaso sa 114 na mga bansa at 4,291 na katao naman ang namatay at posible pang madagdagan ani Tedros.

Matatandaang nag diniklara din noon ang Geneva based agency sa 2009H1N1 swine flu outbreak bilang isang pandemic din na kaso, kung saan mabilisan ang naging pag-gawa ng mga vaccines at gamot,ngunit itoy nauwi sa kritisismo ng ibang tao dahil sa lumabas na mahinang epekto nito noon.

Sinabe pa ng WHO, na maaaring gamiting termino ang outbreak ng COVID-19 na pandemic bilang paglalarawan sa lawak at bilang ng epekto nito sa tao.Sinabi din nila na ang novel coronavirus ay hindi lang isang pangkaraniwang trangkaso.

Source:
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive