General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Dahil sa "RECOVERY APPS" OFW na misis nabuking ang sikreto

Picture from YT of Raffy Tulfo in Action

Isang kaganapan ang isiniwalat ng isang lalaki sa isang radio station sa Pilipinas na "Isumbong mo kay Tulfo". Ang lalaki na nangangalang Meljun Sagaldia tubong Sorsogon ay lumapit kay Raffy Tulfo upang ireklamo ang pangangaliwa ng Misis nya na isang domestic helper sa Saudi Arabia.

Si Lenie Sagaldia ang nasabing misis ng lalaki, dahil sa isang application na itinuro ng pamangkin ni Meljun na retrieve nito ang mga picture at video na maaring maging ebidensya nito laban sa kanyang misis na nakipagrelasyon sa iba.

Ang asawa nito ay nakipagrelasyon sa isang Indian national  na nangangalang Farid Ahmad Ahbal, isang family driver sa Saudi. Sa ipinakitang mga ebidensya ni Meljun kay Raffy Tulfo halos lahat dito ay malalaswa at hindi kaaya-ayang tingnan. 

Sa tulong ni Raffy Tulfo nakausap ni Meljun ang kanyang misis at nagkapaliwanagan ang mga ito. Umamin din ito kay Raffy Tulfo na maraming beses na nangyari sa kanila ng kanyang karelasyon sa Saudi. Ayon sa sinabi  ni Raffy Tulfo sa misis ni Meljun, ang ibig ng lalaki ay umuwi na ito ng Pilipinas upang duon ito kausapin at sampahan ng kaso. Ngunit kapag hindi pumayag  ang asawa nito na si Lenie lalapit sina Raffy at Meljun sa embahada upang ipaliwanag ang hinaing ni Meljun at upang maipahatid sa embahada ng Saudi Arabia ang naging problema.

Dahil sa ginawa ni Lenie maaari itong kasuhan sa Saudi at ma-deport sa Pilipinas. Kung kaya't ang gusto ni Meljun ay umuwi na ito agad para hindi na umabot sa ganoon na sitwasyon. Nakipag-usap sina Raffy Tulfo sa employer ni Lenie na kung maaari ay payagan itong umuwi agad or maybe next week ngunit ang sagot sa kanila ng employer ay pag-iisipan muna.

Ang pangangaliwa ng misis ni Meljun ay sobrang sakit ang epekto sa kanya lalo na sa kanilang anak. Ayon sa kanya kapag nakikita nya ang mga larawan talagang nagagalit ito at napapaisip kung bakit ito ginawa ng misis niya gayong ginagawa din naman nya ang responsibilidad nya. Isang karpentero si Meljun sa kanilang lugar at ito ng ipinangbubuhay niya sa kanyang pamilya. At dahil sa ginawa ni Lenie sobra itong nasaktan kaya handa niya ito ipakulong upang pagbayaran ang kasalanang ginawa niya sa ibang bansa.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive