General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

DOH confirmed 3 new deaths of COVID-19



Kapapasok na balita, kinumpirma ng Department of Health ngayong gabi Marso 12, 2020, na tatlong pasyente na positibo sa COVID-19 ang binawian ng buhay.

Ang mga namatay na pasyente ay ang ika-5, 6, at 37 na kaso ayon sa DOH. Sa ngayon ay lima na ang kabuuang bilang ng namatay sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Ang ika-6 na kaso ay unang dinala sa Cardinal Santos Medical Center noong Marso 5 at inilipat sa Research Institute for Tropical Medicine. Ayon sa DOH gabi ng Marso 11 ng binawian ng buhay ang pasyente.

Ang ika-5 naman namatay ay asawa ng ika-6 na kaso ng may COVID-19, namatay rin gabi ng Marso 11, 2020. Dahil sa Diabetes at Hypertensive na nagdulot ng Acute Kidney Injury.

Samantala, ang ika-37 na kaso ay dinala sa ospital ng Philippine Heart Center noong Marso 6, 2020, matapos makaranas ng "onset of symptoms" noong Pebrero 28, 2020. Ngunit Marso 11 ay binawian ng buhay ang pasyente dahil sa "Acute Respiratory Failure."
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive