General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Death toll of coronavirus case in Iran reaches 429



Dubai - Iniulat ng Iran noong Huwebes ang 75 na bagong kaso ng mga namatay dahil sa coronavirus sa loob lamang ng 24 oras.Ayon sa Ministry of Health,umabot na sa 429 ang mga namatay sa pinakamapinsalang bansa sa gitnang silangan.

Nakilala ang 1,075 na bagong kaso ng covid-19 sa loob ng 24 oras kaya ibig sabihin ay merong 10,075 na apektado ng nasabing virus sa bansa at 429 na bilang ng mga namatay, ito ay ayon sa pahayag ng tagapag salita ng Health Ministry nasi Kianush Jahanpur sa isang pambansang telebisyon.

Ang pagsiklab ng virus ang siyang dahilan upang mahawaan ang isang tagapagsalita ng mga matatandang opisyal,pulitiko,pari at mga miyembro ng mga piling tao ng Revolutionary Guards ng Iran, na tinatayang ika apat sa pinakatinamaan ng virus pagkatapos sa China,South Korea at Italy.

Hindi rin bababa sa pitong opisyal at politiko ang namatay simula noong Feb.19 simula ng i-anunsyo ng Iran ang unang nagpositibo sa infection at dalawang namatay dahil sa virus.

Ang mga clerical rulers ay sobrang nahihirap din na mapigilan ang pagkalat ng virus sa kabila ng maagang pagsasara ng mga iskwelahan, unibersidad at iba pang aktibidades sa buong bansa.Muli ding nag paalala ang Iran officials sa publiko na umiwas munang mag lakbay sa ibat ibang lugar at manatili nalang muna sa kanilang mga tahanan."Manatili sa bahay at huwag mag shopping.Mas lalo niyong pinapahirapan ang aming trabaho sa hindi niyo pag sunod sa aming mga pinag-uutos"itoy pahayag ni Health Minister Saeed Namaki sa isang programa.


Source :
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive