General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Due to Enhanced of Community Quarantine, OFWs' have 72 hours to fly out of Luzon



Ang lahat ng overseas Filipino workers, permanent resident visa holders at students ay pwedeng lumipad from international airports sa Luzon hanggang March 20, 2020.

Sinabi ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) nitong March 17 na allowed na ang mga Filipinos sa kanilang international flights at iwan ang Luzon within 72 hours dahil sa enhanced community quarantine.

Ayon sa Department of Transportation, ipinapaalam nila sa lahat na sa meeting ng IATF ngayong March 17, 2020, ay napagkasunduan na lahat ng pasahero, regardless of nationality ay pwede nang umalis ng bansa within 72 hours na period, unless yung flight nila ay nacancel ng airlines o ng Civil Aeronautics Board (CAB).

Since na mayroon travel ban sa Hong Kong, Macau, at mainland China ay pwede paring makapunta o makabalik ang mga exempted na ayon sa batas nila.

Philippine President Rodrigo Duterte ay nagbigay ng anunsyo na palawakin ang community quarantine simula Metro Manila hanggang sa buong region ng Luzon nitong March 16 para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ang Pilipinas ay mayroon nang 187 kaso ng COVID-19 infection at 12 na ang namatay.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive