General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Dumaguete City’s first case of COVID-19, passes away


Unang pasyente ng COVID-19 sa Visayas pumanaw na, itoy kinumpirma ng Provincial Health Office ng Negros Oriental ngayong araw ng Linggo, Marso 15, 2020.

Matatandaang nagpositibo ang isang 62 years old na pasyente mula sa Dumaguete City noong Marso 11, 2020 na-confine sa Siliman University Medical Center ayon kay Integrated Provincial Health Office (IPHO) assistant officer Dr. Liland Estacion.

Ayon sa nakuhang impormasyon, ang pasyente ay naunang isinugod sa Ace Dumaguete Doctors Hospital sa Barangay Daro bago inilipat SUMC. At ang travel history ng biktima ay bumiyahe galing Greenhills, San Juan sa Metro Manila. Ang pasyente ay ika-39 sa listahan ng nagpositibo sa bansa at Konsehal siya sa bayan ng Tayasan sa probinsya ng Negros Oriental.


Sa ngayon ay nasa 9 na ang kabuuang bilang ng namatay sa COVID-19 sa Pilipinas at 111 ang kumpirmadong nagpositibo sa bansa.
Share:

No comments:

Post a comment

Blog Archive

Loading...