General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Eva Air confirmed 2 passengers infected with COVID-19


Image for representation only

Nakumpirma ng Eva Airways nitong Miyerkules na sila ay mayroon dalawang sakay na pasahero na infected sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa airline, ang isang kaso ay flight BR10 mula Taoyuan patungong Vancouver noong March 7, pero sinabi naman ng Central Epidemic Command Center na ang taong ito ay lumipat lamang ng sakay patungong Taiwan.

CECC official Chuang Jen-hsiang, ay sinabing ang pasahero ay lumipad galing Iranian capital of Tehran to Malaysia, pagkatapos ay lumipat sa Taoyuan International Airport patungong Vancouver. Ang ibig sabihin hindi nakuha ng pasahero ang virus sa Taiwan.

Sinabi naman ng Taiwan-based airline na nainform sila ng Canadian health authorities na isa sa pasahero nila ay nasuri na may sakit. Pagkatapos ng abiso, ang airline ay agad nagdisinfect ng aircraft at ang 12 cabin crew ay binigyan ng dalawang Linggo na paid leave para magself quarantine sa bahay hanggang March 21.

Samantala sinabi din ng Eva Air na nainform din sila ng Vietnamese health authorities na may dala silang isang pasahero na infected ng COVID-19 sa flight BR395 mula Taoyuan patungong Ho Chi Minh City noong March 16.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive