General Information and other helpful jobs

FamilyMart in Taiwan starts selling 75% alcohol to fight COVID-19



Isang FamilyMart sa Taiwan ang nagsimulang magbenta ng 75% na alcohol upang labanan ang coronavirus.

Ang nasabing produktong ito ay nagmula sa Taiwan Sugar Corporation (Taisugar, TSC) na binebenta ng FamilyMart simula noong Miyerkules. Ngunit ayon sa Taisugar, hanggang limang bote lang ang pwedeng ibenta sa bawat tindahan sa isang araw upang matugunan ang bawat mamimili. Ang isang customer ay maari lamang makabili ng isang bote ng produkto habang mayroon pa silang supply.

Dahil sa paglaganap ng coronavirus na nakakahawang sakit mainam na palaging maghugas ng kamay at gumamit ng disinfectant upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus. Ang paggamit ng 75% na alcohol ay sapat na upang makalinis. Hinihikayat rin nila na bumili lang ng sapat sa pangangailangan nila.

Ayon kay Li Fu-an, deputy executive director of marketing department ng Taisugar, ang rubbing alcohol ng kanilang kompanya ay nasa 95% talaga sa 500 ml na bote ngunit binaba ito sa 75% at sa 350 ml na bote lang upang matugunan ang demand sa disinfectant dahil sa coronavirus outbreak at binibenta nila sa halagang NT$45 o US$1.49 ang isa nito. Ito ay ayon sa report ng Liberty Times.

Dagdag pa ni Li, ang kanilang kompanya ay kayang gumawa lamang ng 17,280 na bote kada araw. At mayroon naman 3,600 na FamilyMart sa boung Taiwan. Maari lamang makabenta ang isang tindahan ng limang bote sa isang araw.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Taiwan Pharmacist Association (TPA) noong Lunes, Pebrero 17 na mayroon mahigit 6,000 na National Health Insurance appointed pharmacies na magsisimulang magbenta ng 75% na alcohol ngayong linggo. Ayon sa TPA Chairman Huang Chin-shun na ang rubbing alcohol ay ibibinta sa halagang NT$40 ang isa ng 300 ml na bote.


Source: Taiwan News

Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...

Blog Archive