Home »
Health tips
» Halaman ng Banaba mabisang lunas sa mga sakit
Halaman ng Banaba mabisang lunas sa mga sakit
Ang banaba ay isang namumulaklak na puno na kilala sa maraming lugar sa Pilipinas. Ang bulaklak ay kulay lila at bumubuka ng malapad. Ito ay may bunga na mala-ubas ngunit kulay chocolate. Karaniwan itong tumutubo sa isla ng Luzon, Mindanao at Palawan. Ang banana ay may kakayanang makagamot ng ilang karamdaman, kalimitan mabibili ang banaba na nakahanda bilang inuming tsaa at tableta.
Ang iba't-ibang bahagi ng puno ng banaba ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
*Halaman - ay nagtataglay ng phenolic compound, saponins at flavanoids. Bukod pa dito mayroon din itong lagerstroemin, ellagitannin, corosolic acid. May mataas na lebel ng tannin sa bunga, balat ng kahoy at dahon.
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
*Ugat - pinapakuluan ang ugat at pinapainom sa may sakit.
*Bulaklak - pinapakuluan ang bulaklak ng banaba at ipainom ang pinaglagaan sa may sakit.
*Dahon - ang dahon ay pinapakuluan.
*Bunga - ang hinog na bunga ng banaba ay kadalasang pinapatuyo bago ilaga upang makuha ang taglay nitong sustansiya.
*Balat ng kahoy - ang balat ng kahoy ay nilalaga ngunit hindi ito kasing epektibo ng pinaglagaan ng dahon at bunga.
Mga sakit na maaaring magamot ng banaba:
1.)Altapresyon - ang pinaglagaan ng banaba ay nakakababa ng presyon ng dugo.
2.)Pagtatae - ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng banaba ay nakakagamot sa pagtatae.
3)Hirap sa pag-ihi - ang pinaglagaan ng ugat at dahon ng banaba ay may epektong diuretic sa mga taong hirap sa pag-ihi.
4.)Sobrang timbang - mahusay ang regular na pag-inom ng pinaglagaan ng halaman ng banaba sa pagpapanatili ng balanse at tamang timbang.
5.)Diabetes - epektibo sa pagpapanatiling balanse ng lebel ng blood sugar ang pinaglagaan ng bulaklak, dahon at bunga ng banaba.
Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitue for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patienst shoudl always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.
-
photo of PHIVOLCS A Lava fountain has erupted at the main crater of Taal Volcano as of 3:20 a.m. and continuously erupting ashes and s...
-
Mga OFW na uuwi ng Pilipinas hindi na dadaan sa 14 days quarantine. Ito'y inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWW...
-
Hongkong (Oct. 6, 2019) - The uncontrolled situation in Hongkong paralyzes the business establishments and Public Utilities. Yesterday t...

No comments:
Post a comment